Mga iba't-ibang klase ng tao sa buhay ko
Saturday, June 03, 2006
Bakit kaya may iba't-ibang klase ng tao?
Malamang! Kung pare-pareho tayo e di wala ng excitement dito sa mundo. Ang dami kong na-mi-meet na tao. Siguro tama lang iyon kasi sa kanila ako natututo. Merong isa, kaibigan ko ng matagal na panahon, sya ung tipo na hindi showy. Thoughtless at hindi romantic, pero tunay na kaibigan. Nung bago palang kasi syang i-kasal, naikwento nya na sabi ng boyfriend nya na parang hindi nya pinapakita na mahal sya nito. Kumbaga, nag-rereklamo kasi hindi sya thoughtful, no romantic bone ika-nga. Natutunan ko na kung mahal mo e ipakita mo. Wag mong pigilan kasi ikaw rin ang masasaktan.
Isa pa, ung relihiyosa type. Sa kanya ka matututo ng lahat ng kabaitan at paraan ng pagdadasal. Hindi naman ako masyadong dasalin pero hindi rin naman ung nakakaalala lang kung may problema. Minsan ganon ako, minsan nga tumitigil ako kapag hindi natupad ung sobrang hiling ko. May panahon kasing ganon, minsan parang ayaw mong humiling kasi kapag hindi naibigay sa'yo, sasama ang loob mo. Natutunan ko na kahit anong mangyari, He's always there for you. The trials that you are experiencing are not from Him but from you. Napanood ko sa TV noon, sabi nung pastor, ang pagsubok ay hindi galing sa Diyos, ikaw ang gumagawa non. The moment you turn yourself away from Him, that's already a trial. So if you have problems, give them all to Him and he will take away your burden.
Yung sumunod, ang sosy at beauty type. Kahit kailan, ni sa panaginip hindi ko naisip na magiging close ko ang babaing ito. Crush kasi sya ng bayan e. Lingunin kumbaga. Minsan, nakaupo sya sa isang tabi kausap nya ung kaibigan nya, tapos nung tumayo na sya, lahat ng lalaki dun sa hilerang iyon e lumingon sa kanya. Syempre kasi maganda, pero hindi dun nagtatapos iyon. Dapat hindi natin tinitignan ang pisikal/panlabas na kaanyuan dahil minsan mas maganda pa ang kalooban nito. Ang dami-dami kong natutunan sa kanya and to think na mas bata pa sya sa akin. Marami syang experiences na dapat hindi pa nya na-experience kasi bata pa sya, pero she was a rebel herself, but still she knew where and what she was doing. Pero hay naku! ganunpaman, hindi pa rin sya nag-mature(hehehe...love yah sis, peace tayo!) Natutunan kong maging maganda labas at loob. Walang taong pangit, sa paningin lang iyon ng iba, pero lahat ng tao may sariling kagandahan at ang taong nagmamahal sa iyo ng lubos, ung taong walang tinitignan kundi ang puso mo, ang magsasabi sa iyo non. Ito pa isa, the funny type. Pagmagkasama kami hindi pwedeng hindi ako tatawa. Palagi yan at super kain moment din. Nagkataon lang na may boylet sya noon kaya un ang favorite naming topic. Lahat siguro ng tao e ka-chika nya. Ang bait kasi nya pagtulog, hehehe, joke lang. Super ingay at syempre lahat ng dapat tawanan e tinatawanan nya. Mas gusto ko sya kapag seryoso kasi ang daming kong na-rerealize at nalalaman kapag nag-seseryoso sya. Natutunan kong maging masaya, sarap tumawa!!! "Hakuna matata!!!"
Lastly(sa ngayon syempre wala pa ung future), yung lovey type. Sobrang bait kaya maraming nagmamahal. Tipong martir, mas gusto na sya ang masaktan kesa sya ang maging dahilan ng pagiging malungkot ng iba. Natutunan kong maging mapagkumbaba pero not to the point na ibinababa ko na ang sarili ko. My identity will be gone and I don't want that. I want to be myself and to not hurt anyone at the same time. I hope that is possible.